Monday, March 19, 2012

♥Hays♥

Gagraduate na lang wala pa akong madamang support mula sa mga taong inaasahan ko..:'( (teary eyes).
Kung sino pa yung taong hindi madalas makausap at makasama sila pa yung mas masaya dahil makakatapos ako.

Pera lang yan, hindi niyo yan madadala sa langit. Wala akong paggagamitan niyan kundi para na rin sa mga kailangan sa graduation. Hindi ako sinungaling at mas lalong hindi ako mandurugas.

Pero salamat na rin sa inyo kasi kahit nilulunok ko na ang pride ko makahingi lang ng pang-project, nakakapasa ako at PROUD pa sa GRADES ko.

Salamat sa inyong lahat, kung hindi dahil sa inyo hindi ako magiging matatag.

I will surely promise that I'll push myself hard towards success. Even if no one cares. Go! Be strong!


Saturday, March 17, 2012

For final evaluation ♥

Ang sayaaaa!!

OMG. After my hardwork, stress, prayers, natupad din ang hiling ko! Sobrang iniyakan ko at sobrang prayers ang hiniling ko kay God matupad lang ang hinihintay kong 'For final evaluation' na result sa SIS ko. Grabe. I really can't fight this kind of feeling na gagraduate ako finally.!

Wala man akong makuhang trophies, awards, honors, or anything masaya pa rin ako kasi makakatapos ako ng college without failing subjects. Tsaka kung wala lang yung kaisa-isang 2.75 ko na grade sa college Algebra eh for sure Cum Laude ako. But then, sumusunod lang din naman ako sa patakaran ng PUP. Buti pa ang UP, kahit may 2.75 may pag-asa. At least diba? matataas ang grades ko at im very proud to say to myself that my 4 years that I have spent in my alma mater was really unforgattable.

Marami akong napagdaanang problema, saya, at pasakit. But then, i only considered the colorful ones in my college life. I knew that God really loves me and he really never let me down that's why I have made it. And now, may maipagmamalaki na ako sa mga magulang ko and it is my turn to give back and also for them to be happy knowing that their oldest was now subsidizing them.

My college life was really the hardest, honestly. But the butterflies that I have met towards hardships was really fulfilling and those butterflies are my friends who pushes me hard while giving an advice not to give up. Kahit masakit sa dibdib natanggapin yung mga advices nila, ok lang. Kasi alam ko na iyon ang mas makabubuti. Iyon ang mas magdadala sa akin towards success.

Si Leah, Vic, Helen, Gianne, at mae. Sila ang mga bestfriends ko. Kasama ko sa saya, sa problema, sa away, sa lokohan, sa kopyahan. Unti-unti man kaming nalagas, ang pagkakaibigan naman namin ay hinding-hindi kumukupas.

Ako yata ang pinaka matibay sa amin, hahaha. Pero syempre, hindi ako ganoon kasaya dahil hindi kami kumpleto sa graduation. Pero I wish them luck in their chosen lives.

Be happy. Be thankful. ika nga ni Budoy. Basta ako, I promised to myself that I will be successful someday. Gusto kong gantihan ang mga magulang ko sa mabuting paraan. Kung ano man ang susunod na kabanata nitong istoryang ito, abangan nalang natin. Pero I am pretty sure, magagandang posts ang maibabahagi ko sa inyo sa blog na ito. In God's will. :))






















Wednesday, March 7, 2012

Anxious :s

Daig ko pa ang estudyanteng nagaantay ng result sa board or bar exam sa situation ko ngayon. Grabeng pressure! My parents, relatives, and some friends are expecting me to accomplished it. Alam kong makakarating din naman ako sa FINISH LINE, at hindi ko hahayaang masayang ang apat na taong pinaghirapan ko sa aking sintang paaralan. 

Minsan mag-iimagine ako, 2 months after, ano na kayang napala ko? Did I make it? or not? Oh please God Im begging you, please give me this chance to have it. To prove to others that I can, and push myself up while gradually noticing my success. Ayokong i-disappoint lahat ng umaasa sa akin, dahil marami akong pangarap na gustong makamit para sa kanila at para na rin gantihan lahat ng paghihirap nila makatapos lang.

Ano kayang magiging result ng confusion na ito, gusto kong magsisi sa lahat ng nagawa kong mali, at once na makamit ko itong nalalapit na judgement sa aking buhay, pinapangako ko na hinding hindi ko na gagawin yong mga kamalian ko. 

Maraming salamat na rin sa mga taong nandyan who pushes me hard at they're really cheering me up na makakmit ko ito. Sana nga magdilang anghel kayo. kapag naka-graduate ako, manlilibre ako! gosh! :) I hopefully wishing for my victory.

Nextweek sana ok. Sana walang problema. Sana walang questions. Sana walang kaba. Sana pag-open ko sa student account ko, successful. God give me this opportunity to have it. I dont wanna disappoint my loved ones.

Please give me positive vibes and never ruin my expectations. My Gaaahd.!