Ang sarap nang feeling na maraming may gusto sayo, pero iisa pa rin ang laman ng puso mo.
Yung feeling na sa araw-araw na ginagawa mo sa buhay ksama ang friends, at mga mahal mo sa buhay, at the end of the day siya at siya pa rin ang gusto mong makasama.
Sa tuwing kasama mo siya iba yung pakiramdam. Na sana huninto yung oras para masulit niyo yung pagsasama ninyong dalawa. Everytime you both own the moment, gusto ninyong sulitin sa kulitan, harutan, tawanan. At hindi natin namamalayan yung mga moment na iyon ang lalong mas nagpapahulog ng loob mo sa kanya.
Ang sarap nang pakiramdam na sa bawat problema hindi kayo nagbabangayan. Sa halip, nagtutulungan kayo at sinasabi sa isa't-isa na "kaya natin 'to". At sa mga pagdadaanan niyo pa lalong nabubuo yung tulungan ninyo at pagmamahalan na hindi mabubuwag ninoman.
Sa bawat problema, sa bawat taong gustong dumaan at pumagitna sa inyo patuloy kayong lumalaban dahil mahal ninyo ang isa't-isa. Sa bawat panahon, sa bawat pagkakataon na makakasalubong ang problema walang sumusuko.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong pagmamahalan. Yung kayong dalawa ang nagaadjust at handa ninyong intindihin ang isa't-isa dahil alam ninyong hindi kayang mabuwag nang kung anoman ang nararamdaman ninyo sa isa't-isa dahil alam ninyong dalawa na you both love each other.
No comments:
Post a Comment