The most awaited moment of my life: My Graduation day!
Sa apat na taon na nagpuyat, nagpagod, nagsunog ng kilay,
this is it! I made it! Maraming salamat sa mahabang panahon na inilagak ko sa
aking sintang paaralan, ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.Hinding hindi ko
malilimutan ang mga masasayang alaala na binuo ko sa paaralang ito.Isa na
dito ang matutong maglakad ng pagkahaba-haba mula teresa hanggang sa apat na 'wing' ng
main na kahit malayo ang biyahe, wala akong pakialam kahit papasok palang ako,
pawisan at haggard na.
Isa rin sa hindi ko makakalimutan ay ang mga alaala ng
professors namin na halos tumatak na sa isipan ang mga litanya nila dahil sa bawat
semester na ipinapasok namin, laging nandon sila. :)
Isama mo pa dito ang kumain ng kwek-kwek kay 'kaibigan',
kumain ng 'combo meal' sa tapsihan, bumili ng 'boom shake', kumain ng manggang
hilaw, magpadulas sa 'dome', magchikahan sa harap ng malaking salamin sa c.r, magrent
sa 'tigteten' kasama sina Vic at Helen, magpaprint ng 'piso isa', pumasok ng late,
magsulat ng attendance sa 'yellow paper', ang sumakay sa pedicab na P5 per person
papuntang main kahit walking distance lang. (init eh.:P) at higit sa lahat, anu pa ba?
edi ang 'pumila ulit pila'. (PUP)
Bukod pa dito, hindi ko rin naman makakalimutan ang mga
weirdo kong kaklase na naging dahilan kung bakit naging makulay ang college life
ko. Maraming salamat sa saya, lungkot, determinasyon na ibinahagi ninyo sa akin
dahil isa rin kayo sa mga naging dahilan kung
bakit nakamit ko, natin ito.
Sa mga taong tumulong sa akin para makamit ang tagumpay,
sobra sobra ang pasasalamat ko sa inyo. Sa aking mga tita at tito, na walang patid
ang suporta at pangaral sa akin, maraming salamat :). Those words of advices would
probably kept in my mind 'til I reach my journey through its top.
At SYEMPRE, kay mama at papa. Hindi ko man nakamit ang
isaasam kong medalya, PROUD pa rin ako dahil nandyan kayo na handang ibigay at gawin
ang lahat matulungan lang kaming magkakapatid sa pagaaral. Sa lahat ng pagod at
pagtitiis ninyo sa aming tatlo para maibigay lang ang inyong makakaya, sobra sobra na
iyon at naguumapaw pa. para sa akin, ang MEDALYA ay maituturing kong 'kayo'. Isang
medalya na hindi kailanman masisira at kukupasin ng panahon.Isang medalya na panghabangbuhay nang nakatanim sa aking isipan na hindi masisira o mananakaw man. Bow. :)
#Salamat Ama.
-Ate Annalyn, Ate Arlene at tita Zeny kung di dahil sa
inyo, di ako maganda at maayos sa graduation ko. heheh Salamat :)))
No comments:
Post a Comment