Ang
Facebook ay ang numero unong social networking sites ngayon sa buong mundo. Ito
rin ang numero uno sa most visited sites na dati ay hawak ng google.com.
Dati-rati, ang Friendster ang nangungunang social networking sites sa Pilipinas
kasama ang multiply pero muli itong sinungkit ng Facebook dahil sa lumolobong
populasyon nito kasabay na rin ang bumabahang mga applications dito na dahilan
ng pagkahumaling ng mga kabataan. Mula sa isang sikat na Magazine, sa ikapitong
taon ng Facebook noong 2010, ito na ang isa sa mga pinakamahalagang internet
companies ngayon. At ang kasalukuyan nitong paglaki sa growth rate, nilampasan
na nito ang Yahoo.
Sa
patuloy na paglobo populasyon ng Facebook site, palobo din nang palobo ang
nangyayaring krimen ‘online’ sangkot ang Facebook.
Nitong
nakaraang buwan lang, nagpalit anyo ang Facebook na tinatawag na ‘timeline’
kung saan marami ang nagbago kahit sa simpleng comment, like, at share nito.
Naging malawak na rin ang kakayanan ng Facebook na kahit simpleng status ay
marami na ang makakabasa kahit hindi mo kaibigan. Marami ang hindi pumabor sa
pagbabagong ito dahil biglaan ang pagpapalit at hindi man lamang ininform ang
mga users kung ano ang mga binago.
Kasabay
ng pagpalit anyo ng Facebook nitong nakaraang buwan, marami ang hindi
nakakaalam na lalabas sa wall ang simpleng like at comment sa mga litrato kung
saan marami ang makakakita ng hindi nila nalalaman.
Sangkot
naman ang Pilipinas sa ganitong gawain kung saan nagkalat sa wall ang mga mahahalay
na litrato dahil sa kanilang pagkokoment at pagla-like sa mga imaheng ito.
Halos tawagin na nga ang Facebook site na ‘Pornbook site’ dahil sa bumabahang
mga litrato na bumubulaga sa wall kada ‘log in’ ng mga users.
Dahil
dito, humantong ang Chief Executive Officer ng Facebook na si Mark Zuckerberg
sa pagpapa-Ban ng facebook sa Pilipinas dahil sa kahalayang kumakalat sa mga
wall sa bawat users na gumagamit ng site. Aniya:
“The porn
attacks originated in the Philippines and are being published by Filipinos all
over Facebook, our experts here at Facebook are doing everything they can to
stop it from spreading any further (outside the Philippines) and to eliminate
the porn and spam threat completely which have been causing other Facebook
users ‘a hard time’. Filipinos should also be vigilant and report any spam
links and pornographic materials. 41% of Facebook members around the world are
aged 12-17 years old, we cannot them be exposed to this kinds of things through
Facebook. If this continues and more spams keep being posted, we will have no
choice but to ban Philippine users from using Facebook. We at Facebook will not
tolerate outlandish behavior and indecency.”- Mark Zuckerberg
Dahil sa
balitang ito, maraming Pilipino ang hindi sumang-ayon sa desisyon ng CEO.
Masasabi ko rin na hindi mga Filipino users ang may kasalanan sa pagkalat ng
mga litratong ito kundi mga biktima lamang dahil sa hindi nila pag-iinform sa
mga users sa malawakang pagbabago ng kanilang Site. They must inform the users
about the details so that hindi sila mabibigla sa mga nangyayari.
At sa ating
mga Filipino users naman, kailangan nating magdahan-dahan sa mga pinopost natin
kahit na hindi ganoon ka-epektibo ang mga online policies sa bansa.
We must ‘think
before we click’ para walang masabi ang ibang bansa sa atin. Huwag nating
ilugmok sa kahihiyan ang pilipinas dahil lang sa mga gawaing ito. Maging
responsible tayo sa paggamit ng Social Networking Sites. Gamitin natin ito sa
kapaki-pakinabang na paraan. Hindi tayo gumagamit ng Networking Sites para lang
mangolekta ng friends, dapat alam din natin ang do’s and dont’s sa pagamit
nito.
Masasabi ko
rin na kailangan pa natin ng responsibilidad o guide sa paggamit ng Internet.
May kasalanan din tayo dahil alam naman natin na sa bawat ‘sign up’ natin sa
iba’t-ibang websites, pinapaalala muna sa atin o pinapabasa ang mga terms and
conditions kung saan dinededma lang natin ang mga ito. Hindi tayo henyo para
malaman ang bawat sulok ng Internet o mga Social Networking Sites na iyan,
kailangan din natin ng ‘common sense’ para makasabay tayo sa pagbabago at hindi
makasama.