Sunday, February 5, 2012

Critique paper (one of the best-selling newspapers of the country)


Alam naman natin na ang Inquirer ay isa sa mga higanteng dyaryo ditto sa Pilipinas na may humigit kumulang 2.7 milyong mambabasa araw-araw. Isa rin ito sa mga pinagkakatiwalaang sanggunian ng mamamayan na halos hindi na mabilang ang pagbubulgar ng katotohanan para sa kredibilidad nila pagdating sa paghahatid ng mga balita. Nagsimula sila sa paglalahad ng balita sa dyaryo, at ngayon ay naglalahad na din sila ‘online’ sa pamamagitan ng online newspaper kung saan sa simpleng click lang lalabas na ang mga gusto mong malaman na mga hottest issues ngayon.

Sabihin na nating ‘foreign language’ ang paglilimbag sa dyaryong ito, pero masasabi pa rin na pang-MASA ang dyaryong ito. Dahil sa sila lang ang natatanging kompanya ng dyaryo na namamahagi ng libreng pahayagan para sa mga mamamayan para makapagbahagi ng balita. Tinatawag nila itong ‘Inquirer LIBRE’ mapa-kahit na sino ay pwedeng kumuha ng tabloid na dyaryong ito na walang bayad. At higit na mas makikinabang dito ang mga commuters na naghihintay ng oras para makarating sa kanilang pupuntahan.

 Sobrang relevant ng dyaryong ito in a way na pwede kang makapaglibang-libang kung ano na ang nangyayari sa ating bansa. Mas lalong importante ito sa mga ‘adults’ na walang panahon sa internet, mp3’s, at iba pang libangan.

Kung pag-uusapan naman ang kanilang ‘original’ na dyaryo, masasabi ko na hindi sila ganoon ka-reliable sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga Pilipinong hindi masyadong makaintindi ng English languages na sobrang malalalim. Dito ako hindi pumapabor sa kanilang kompanya.

Tanging may matataas na pinag-aralan lang ang may kakayanan na makaintindi ng buong istorya sa isang artikulo kung pagbabasehan natin ang kalidad ng pagsusulat ng mga writers sa Inquirer. Although, isa man itong advantage sa mga writers na kaya nilang pumantay sa mga gahiganteng dyaryo sa ibang bansa tulad ng The New York Times, hindi naman natin maipagkakaila na mas malaki ang porsyento ng ‘MASA’ kaysa sa mga ‘Edukadong tao’. hindi ba?

Sabihin man natin na mayroon silang ‘LIBRE’, ngunit sa aking persepsyon hindi pa rin ganoon ka-sapat ang paglalahad nila ng balita. Bakit? Dahil mas marami pa ang advertisement kaysa sa mga balita na nakapaloob sa mini Inquirer na ito. Mas malalaki pa ang size ng advertisement kaysa sa balita. Halos sakupin na ang buong section ng dyaryo para sa isang ‘ad’ lang. Samantalang halos wallet size lang ang sukat ng balita na nababasa kada istorya.

Sana mabago nila ang ganitong routine or nakasanayan. Dapat maging pantay sila sa paglalahad ng balita sa ating mamamayan para lahat tayo ay may kakayahan na malaman ang bawat pangyayari na nagaganap sa bawat sulok ng ating bansa. Lalong-lalo na sa mga maiinit na isyu ngayon katulad nalang ng ‘impeachment trial’ ni Chief justice Corona, dapat alam din ng MASA ang nagyayari sa senado ngayon para lahat tayo ay may karapatan na magbigay ng suhestiyon sa mga nangyayari sa bansa ngayon.

Minsan kasi, o sabihin na nating kadalasan, kung ano pa yung dapat na malaman ng tao, iyon pa yung pinagkakait na ilahad at ipaalam sa kanila. At kung ano pa iyong mga walang katuturan na bagay ang masyado nilang pinagtutuunan ng panin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy tayong lubog sa kahirapan. Kung bakit patuloy ang pangmamaliit ng ibang bansa sa atin. Dahil mismo tayong mga kapwa Pilipino ang siyang lumalamang sa kapwa. Hindi tayo nagbibigay daan para sa iba na tinatawag na ‘crab mentality’.

Huwag nating hayaan na kung saan tayo ngayon ay doon nalang forever, kung bawat isa sa atin ay magbibigay ng reporma sa paglalahad ng impormasyon, magiging maunlad angating bansa.






No comments:

Post a Comment