Sunday, February 5, 2012

Facebook critique paper


         Ang Facebook ay ang numero unong social networking sites ngayon sa buong mundo. Ito rin ang numero uno sa most visited sites na dati ay hawak ng google.com. Dati-rati, ang Friendster ang nangungunang social networking sites sa Pilipinas kasama ang multiply pero muli itong sinungkit ng Facebook dahil sa lumolobong populasyon nito kasabay na rin ang bumabahang mga applications dito na dahilan ng pagkahumaling ng mga kabataan. Mula sa isang sikat na Magazine, sa ikapitong taon ng Facebook noong 2010, ito na ang isa sa mga pinakamahalagang internet companies ngayon. At ang kasalukuyan nitong paglaki sa growth rate, nilampasan na nito ang Yahoo.

          Sa patuloy na paglobo populasyon ng Facebook site, palobo din nang palobo ang nangyayaring krimen ‘online’ sangkot ang Facebook.

          Nitong nakaraang buwan lang, nagpalit anyo ang Facebook na tinatawag na ‘timeline’ kung saan marami ang nagbago kahit sa simpleng comment, like, at share nito. Naging malawak na rin ang kakayanan ng Facebook na kahit simpleng status ay marami na ang makakabasa kahit hindi mo kaibigan. Marami ang hindi pumabor sa pagbabagong ito dahil biglaan ang pagpapalit at hindi man lamang ininform ang mga users kung ano ang mga binago.

          Kasabay ng pagpalit anyo ng Facebook nitong nakaraang buwan, marami ang hindi nakakaalam na lalabas sa wall ang simpleng like at comment sa mga litrato kung saan marami ang makakakita ng hindi nila nalalaman.

          Sangkot naman ang Pilipinas sa ganitong gawain kung saan nagkalat sa wall ang mga mahahalay na litrato dahil sa kanilang pagkokoment at pagla-like sa mga imaheng ito. Halos tawagin na nga ang Facebook site na ‘Pornbook site’ dahil sa bumabahang mga litrato na bumubulaga sa wall kada ‘log in’ ng mga users.
Dahil dito, humantong ang Chief Executive Officer ng Facebook na si Mark Zuckerberg sa pagpapa-Ban ng facebook sa Pilipinas dahil sa kahalayang kumakalat sa mga wall sa bawat users na gumagamit ng site. Aniya:
The porn attacks originated in the Philippines and are being published by Filipinos all over Facebook, our experts here at Facebook are doing everything they can to stop it from spreading any further (outside the Philippines) and to eliminate the porn and spam threat completely which have been causing other Facebook users ‘a hard time’. Filipinos should also be vigilant and report any spam links and pornographic materials. 41% of Facebook members around the world are aged 12-17 years old, we cannot them be exposed to this kinds of things through Facebook. If this continues and more spams keep being posted, we will have no choice but to ban Philippine users from using Facebook. We at Facebook will not tolerate outlandish behavior and indecency.”- Mark Zuckerberg

Dahil sa balitang ito, maraming Pilipino ang hindi sumang-ayon sa desisyon ng CEO. Masasabi ko rin na hindi mga Filipino users ang may kasalanan sa pagkalat ng mga litratong ito kundi mga biktima lamang dahil sa hindi nila pag-iinform sa mga users sa malawakang pagbabago ng kanilang Site. They must inform the users about the details so that hindi sila mabibigla sa mga nangyayari. 

At sa ating mga Filipino users naman, kailangan nating magdahan-dahan sa mga pinopost natin kahit na hindi ganoon ka-epektibo ang mga online policies sa bansa.

We must ‘think before we click’ para walang masabi ang ibang bansa sa atin. Huwag nating ilugmok sa kahihiyan ang pilipinas dahil lang sa mga gawaing ito. Maging responsible tayo sa paggamit ng Social Networking Sites. Gamitin natin ito sa kapaki-pakinabang na paraan. Hindi tayo gumagamit ng Networking Sites para lang mangolekta ng friends, dapat alam din natin ang do’s and dont’s sa pagamit nito.

Masasabi ko rin na kailangan pa natin ng responsibilidad o guide sa paggamit ng Internet. May kasalanan din tayo dahil alam naman natin na sa bawat ‘sign up’ natin sa iba’t-ibang websites, pinapaalala muna sa atin o pinapabasa ang mga terms and conditions kung saan dinededma lang natin ang mga ito. Hindi tayo henyo para malaman ang bawat sulok ng Internet o mga Social Networking Sites na iyan, kailangan din natin ng ‘common sense’ para makasabay tayo sa pagbabago at hindi makasama.
 








No comments:

Post a Comment