Mas mamahalin mo ba yung taong 'GWAPO' nga, pero 'unfaithful'?
o
Mas pipiliin mo yung hindi man kagwapuhan, pero buong mundo nya, handa nyang ibigay sayo?
Kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko yung taong hindi hindi kagwapuhan, bakit? Simple lang, ang hitsura, lumilipas yan, pero ang tunay na pagmamahal sa'yo nang isang tao, kahit tumanda ka pa, hindi mangyayaring mawala.
Isa pa, ang tunay na pagmamahal, hindi makikita physically, o kung paano man siya manamit, anong hilig nya, o anumang ugali nya. Mararamdaman mo lang ang sinasabi nilang 'TRUE LOVE' kapag dumating yung pagkakataon na wala kang pakialam kung anomang meron at wala siya o kung ano man ang kaya at hindi niya kayang gawin.
Mararamdaman mo ang true love kapag may nakita kang 'spark' sa kanyang mga mata everytime na magkakatinginan kayo, kahit gaano pa katagal yang relasyon nyo, hindi mawawala iyon.
Yung feeling na yung taong mahal mo, eh walang kaabog abog na ipakilala ka sa mga tao sa buhay nya, doon mo mararamdaman na mahal ka talaga nung taong iyon na kahit sa magulang nya ay proud pa rin siyang ipakilala ka.
Yung mga moments na kahit sobrang abala siya, handa siyang i-give up lahat masunod ka lang, sabay sabing: 'ganon talaga eh, nagmamahal lang'. Ang sarap sigurong marinig yon kapag sinabi sa'yo nang mga kaibigan niya yung mga salitang iyon.
Yung feeling na 'consistent' sya at never nagsawa sa pagsundo sa iyo, kasi ayaw niyang mapahamak ka. Dahil ang nasa isip nya ay responsibilidad ka niya at hindi nya gustong mapahamak ang tinuturing niyang 'prinsesa'.
Yung feeling na kahit ikaw ang mali sa opinyon mo, gagawin pa rin nyang tama iyon kasi ginagalang nya lahat at ayaw nyang magkaroon ng misunderstanding sa inyong dalawa.
Yung pakiramdam na kahit malayo kayo sa isa't isa pero hindi nya nakakalimutan mag 'good morning'' mag good night' o kahit na anomang messages na makapagsasabing 'concern' sya sa'yo.
The moment na lagi siyang nandyan kapag malungkot ka, or may problem ka, lagi siyang nandyan para i-comfort ka.
Yung mga pagkakataong kahit alam mong hindi ka maganda, or kahit hindi ka nagmake-up nung araw na iyon, sasabihin nya pa ri sa iyong 'ang ganda ganda mo pa rin'.
Higit sa lahat, kapag mahal ka talaga nang isang tao, handa siyang maghintay, dahil alam nyo sa isa't isa na may pangarap kayong dalawa, pati sa inyong pamilya, at gusto nyo munang ma-accomplish lahat nang mga responsibilities ninyo bago pumasok sa buhay tahimik.
Kung mahal ka talaga nang isang tao, hindi lang ito ang maaari nyang magawa. Sa halip, higit pa rito, at mararamdaman mo iyon kung magiging open-minded tayo at hindi magpapaka-mean. With that, siguro, kung may mga 'in a relationship' na naeexperience itong mga ito, im sure to myself na mas magiging matatag kayo at kung hindi kayo papadala sa init nang ulo, for sure, your relationship to each other will getting stronger at hindi na ako magtataka kung kung nakita mo na ang 'true love' mo. As long as mahal niyo ang isa't-isa, at hindi ka napipilitan lang, he/she deserve you to live with forever.
No comments:
Post a Comment