Tuesday, January 10, 2012

Insecticide ako, Nilalayo kita sa akin kasi ayoko maging dahilan ng paghihirap mo.

Alam mo yung feeling na 'friend' lang ang turing mo sa kanya, pero siya, pinipilit pa rin na baka sa bandang huli, matututo ka ring mahalin siya?.


Ang hirap nang ganoong mga pagkakataon eh, yung situation na ayaw mo siyang saktan, pero alam mo sa sarili mo na 'ikaw' yung dahilan kung bakit siya 'ganyan'.

Ang sarap isipin na may nagkakagusto sayo. Pero ang problema, kaibigan lang ang turing mo sa tao na iyon at alam mong may mahal kang iba at ayaw mo siyang saktan.

Sa mga pagakataon na nakikita ko siya, di ko maiwasang makonsyensya. Bakit? Kasi ako ang dahilan nang kalungkutan niya. Oo, sabihin na natin na alam nyang may mahal akong iba pero bakit ganun? He is always pushing himself to me.

Minsan nga naiisip ko, manhid na ba siya? maraming babae namang pwedeng magmahal sa kanya pero bakit isinisikik nya pa rin yung sarili nya sa akin, siguro naisip ko din na iyon lang ang makapagpapasaya sa kanya. Yung makapagusap kame kahit for a while, masaya na siay. kumpleto na pagkatao niya. Pero palagi nalang ba siyang magpapakatanga? kahit alam nyang may mahal akong iba okey lang sa kanya.

Minsan nga hinahayaan ko nalang ang panahon na dumaan, na baka sakaling sa tagal nang panahon, dumating yung tao na desrve para sa kanya. Pero habang dumadaan ang panahon, unti-unti ko lang siyang nasasaktan everytime na nakikita niyang masaya ako. Hindi sa piling niya, kundi sa piling nang iba.

Mahal ko siya, bilang kaibigan. handa akong ibigay lahat para makinig, magbigay nang opinyon sa nangyayari sa buhay nya. Pero, isa lang ang hindi ko kayang maibigay sa kanya, ang PUSO ko.







































No comments:

Post a Comment