Imagine those youths na 'nocturnal', I mean, lumalabas lang pag gabi, at ang alam ay tumambay, mag-yosi, makipagkwentuhan ng walang katuturan, makipag-inuman, mambastos nang mga babaeng dumadaan, magpatugtog nang mga gangster songs sa kanilang mga cellphones na naka-loud speaker pa at tunog LATA, and such trash behaviors na walang patutunguhan. They're so unproductive! And realizing na some girls naman ay sinasakyan yung mga ganitong walang kakwenta-kwentang bagay. I don't even know nga kung anong napupulot nila sa ganitong gawa eh. Kaya nga huwag na tayong magtaka, kung bakit usong-uso ang pagiging batang ina.
Realizing these kind of things is our country's another sickness. Hindi na rin ako magtataka kung bakit ang perception nang ibang bansa sa atin ay mga 'prostitute', I heard a lot of Filipino persons abroad na ang tingin pala ng other country's satin ay mga prostitute. Mean it. Walang lugar dito sa Pilipinas na wala kang makikitang 'bar', a kind of bar without obscenities. Yes. Para sa akin, napakahirap tanggapin pero ayun yung totoo.
Siguro, kung ang bawat isa sa atin ay magkakaroon nang disiplina, maunlad siguro tayo ngayon. Itong mga sinabi ko sa blog na ito ay isa lang sa mga sakit nang Pilipinas. Paano pa kaya yung iba pa. Isa lang ako sa mga taong gusto nang pagbabago. Pagbabago na hindi lang ako ang makakatamasa, kundi pati na rin ang ibang mga pilipino. Kung mismo sa sarili nyo,sa bawat isa sa atin dito sa Pilipinas, ay hindi babaguhin ang dapat na baguhin, mananatili tayong lugmok sa hirap. Mananatili tayong minamaliit ng ibang bansa na dati ay kapantay lang natin ngunit maunlad na ngayon. kung gagaya tayo sa kanila, wala na siguro tayong taong magugutom.
Disiplina lang naman, hindi naman mahirap iyon. Imbes na tayong mga kabataan ang magiging pag-asa ng bayan, tayo pa yung nagiging sakit ng lipunan.
No comments:
Post a Comment